Maging bahagi ng pagmulat sa kasalukuyan at pagiging instrumento para sa hinaharap!
Iniimbitahan namin kayo sa Pananaw Workshop x ECSA Camp na may temang, “Mulatinta: Pagmulat sa Kasalukuyan, Tinta ng Kinabukasan”. Ito ay gaganapin sa June 9-12, 2023 sa Philippine Christian University – Dasmariñas, Cavite.
“Mulatinta” – mula sa mga salitang “mulat” at “tinta”. Nilalayon nito na bigyang diin ang kahalagahan ng pagiging bukas ng mga kabataan sa mga napapanahong isyu ng mga komunidad at kung paano makatutulong sa paglikha ng mga plano at pagkilos upang makapag-iwan ng kanilang marka bilang parte ng hinaharap.
Maaaring mag-register sa link na ito:
Si Kristo higit sa lahat!
—
PAALALA: Apat (4) na participants lamang ang nakalaan para sa bawat Annual Conference – dalawa para sa Pananaw Workshop at dalawa para sa ECSA Camp.
0 Comments