

Noong 2019, inilunsad ng mga kabataan ang kampanyang #KamiNamanPo. Layunin nito na hikayatin ang 26 Annual Conferences na maghalal ng mga kabataan upang maging delegado at kabahagi sa gawain at mga desisyon sa Philippines Central Conference (PCC).
At nitong nakaraang 2022 Special Session ng PCC, hindi lamang naging delegado ang mga kabataan. Katulad ng ating panalangin, naging kabilang sina Vanessa Jane Dabay, Dave Uriel Angelo Rombaoa, at Krizza Castro ng Coordinating Council. Idagdag pa ang pagiging kabahagi ni Krizza Castro sa Board of Trustees.
Kaya naman sa susunod na Philippines Central Conference, #KasamaTayo ng mga pastor at iba pang layko na maging parte ng pinakamalaking decision-making body ng ating simbahan.
0 Comments